Tuesday, March 15, 2011

Trahedya...


Sa gitna ng maunlad na bansa,
Trahedya ay bumulaga.
Lindol at tsunami ay namuksa,
Gusali ay nasira, buhay ay nawala.

Sana naman ay tama na,
Suliranin ay wag nang dagdagan pa.
Upang ang mga tao sa bansa ay matahimik na,
Kapayapaan ay makamit at trahedya ay di na lumala pa.

Hiling ko sa ating Maykapal,
Sa aking mataimtim na dasal,
Karanasan dito ay maging aral,
At pananampalataya sana ay umiral.

Nugit buo ang aking paniniwala,
Na pagkatapos nito ay may bagong pag-asa.
Kailangan lang nating sumampalataya,
Sa ating mapagmahal at maawaing Ama.

No comments: