THE PATH TO FREEDOM OF SELF EXPRESSION... this blog is for people who are committed to living life with full awareness and consciousness. People who are fully aware of their accountability and responsibility in life. People who act on their heart's desire, who are empowered because they possess within them love and respect of self and of others, people who live with compassion for others, thus, serving their purpose in life which absolutely makes an IMPACT in this WORLD...
Monday, June 4, 2012
Mga Makahulugang Tanong...
Natapos na nga at naganap sa loob ng dalawang linggo ang Seminar-Workshop ng Values Education ng JPI Foundation at Pampanga Children's Fund na kung saan ay kasama rin ang Mary the Queen College at Mansgold Elementary School. Taos puso ang aming pasasalamat sa mga sumuporta at nakibahagi sa aming programa upang ito ay maging matagumpay.
Bilang isang direktor ng proyekto bukas sa aking kamalayan at kaalaman ang mga pagsubok at mga hamon na aking tatahakin at haharapin upang maipatupad at maging tagumpay ang Values Education Program para sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Mansgold Elementary School. Batid ko na me mga taong susuporta at hindi sang ayon sa aming adhikain at ang mga ito ay naisip ko ng magiging inspirasyon para ipagpatuloy ang aming nasimulan.
Paano Nga Ba?
Paano nga ba ang gagawin mo kapag ikaw ay me mga naririnig na di maganda tungkol sa proyektong iyong kinabibilangan at iyong hinahawakan? hmmm...hindi ba ang nararapat ay harapin lamang ang mga pagtutuligsa at ipagpatuloy ang iyong gawain?
Hindi madali dahil tao ka din namang me damdamin at nasasaktan, subalit dapat bang maging hadlang ang mga ito at ikaw ay panghinaan ng loob? Bilang isang naninilbihan para sa mahihirap at mga kapus-palad, marami na rin akong naging karanasan tungkol sa aking gawain. Sa aking pagkaka alam, wala pa naman akong naging karanasan na di maganda kaya nga siguro isang bagong karanasan para sa akin ang lahat.
Paano nga ba ang maglakbay sa ikatatagumpay ng iyong malinis na hangarin? Sa aking pagkakaalam at sa aking pananaw, kaisipan,at kaalaman, hindi dapat pagtuunan ng pansin ang ano mang sagabal lalo na kung ito ay hindi naman masyadong nakaka apekto sa iyong ginagawa. Kailangang me paninindigan ka lang at dedikasyon sa iyong ginagawa at ipagpatuloy kung ano man ang iyong magandang hangarin. Ang mahalaga ay meron kang ginagawa para sa ikakabuti ng iyong kapwa.
Bakit Nga Ba?
Bakit nga ba madalas ang mga taong walang magawa ay pinupuna ka at hinuhusgahan ka? Hmmm...di ba ang sabi nila wala tayong karapatang manghusga sa ating kapwa dahil ang higit na me karapatan pagdating sa bagay na yan ay ang ating Poong Maykapal lamang? Marahil nga dahil wala naman silang ginagawa kung kayat sila ay me panahon upang bantayan ang iyong mga ginagawa.
Bakit nga ba ang ibang tao sa halip na tumulong sa isang magandang adhikain, sila ay naninira pa? Hindi ba ito ay isang KALOKA (my favorite expression)? Patawarin nawa ang kanilang kaluluwa ng Poong Maykapal dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
Ang bawat nilalang ay may kanya kanyang sariling choice at decision na puede nyang gawin sa kanyang buhay. Sa aking paniniwala tayo ay walang karapatang saklawan ang kaisipan ng ating kapwa sa kung ano mang desisyun meron ito. Nararapat lang na respetuhin natin ang kanilang pamamaran sa buhay dahil ito nga ay kanila at hindi naman natin maaring isabuhay ang kanilang buhay. Mali man ito o tama, dapat na tayo ay umunawa dahil hindi nararapat na manghusga ng kapwa. Sa buhay tayo ay nararapat na magkaroon ng malawak na pang unawa sa kakayahan ng atin kapwa. Dahil ang manghusga ay hindi dapat gawain ng mga tao. Kahit naman ang ating Diyos Ama na me karapatan na ay napapatawad ang ating mga pagkakamali at pagkakasala. Ito nga ay dahil alam n'ya na ang mga tao ay hindi perpekto, na ang mga ito ay may mga limitasyon.
Sana sa ating paglalakbay sa buhay, matuto tayong tumanggap kung ANO at SINO ang mga taong ating nakakasalamuha dahil tayo din naman ay tinatanggap nila kahit tayo ay me kakulangan bilang isang tao. Sa aking pagtatapos, dalangin ng aking PUSO na manapay maghari ang PAGMAMAHAL at KAPAYAPAAN sa ating lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment