MGA NAKAKA…
Malalim na ang gabi pero di pa ako dinadalaw ng antok, kaya naisipan kong magsulat….hmmm…ano nga ba ang magandang topic? Hmmm...I want something light...Para
maiba naman, naisip ko lang ang tungkol sa mga NAKAKA…
NAKAKAGULAT
Ito ang mararamdaman mo kapag
ikaw ay down na down or down spirited, tapos biglang me surprise kang darating….kagaya
ng…biglang darating ang pinsan mo na matagal mo ng di nakikita, biglang me perang darating na di mo inaasahan, or biglang may magbigigay sa iyo ng pera...hehe...Isa pa ay yung biglang me mag aabot sa iyo ng regalo na di mo naman expect o
biglang me dadalaw sa iskul mo at bibigyan ka ng pasalubong na di mo naman
expect. Kakagulat din kapag me tumatawag sa iyo at paglingon mo ay wala naman….Ayyys....at lalong nakakagulat yung tulog ka tapos mananaginip ka na nahuhulog ka sa
kama…nakakagulat din pag tinanggap mo ang pay slip mo tapos sobrang dami ang
pay mo, o puedeng bakit wala kang sinahod….waahhh…Hmmm..
NAKAKAINIS
Hmmmph…Kainis Talaga! Anong nakakainis? Ayyys…eh di kapag isang
oras ka ng naghihintay tapos di pa dumarating ang kausap mo, tapos
sasabihin….nakatulog kasi ako or nakalimutan ko…waahhh….Kainis din kapag sarap
na ng tulog mo tapos maririnig mo ang beep ng cel mo…at pag binasa mo, wrong
sent lang pala…huhu….hirap na kayang bumalik sa sleep kapag ganon. Kainis din kapag me mga taong sumisira ng
araw mo…like umagang umaga,may mag te
text at hihiram lang pala ng pera...Isa pa, kapag nasa mall ka, tapos me gusto
kang bilhin, only to find out na wala ka na palang pera…ahaha….so punta ka sa
ATM, tapos offline…waahh….di ba uuwi kang luhaan…isa pa ay yung sisingilin ka
sa utang mo lalo na kung wala kang pambayad, or the other way around,
sisingilin mo ang may utang sa iyo at sasabihin n’yang wala s’yang pera… pero
panay naman ang bili ng kung ano ano at pasyal kung saan saan…o dib a po, nakakainis
talaga…kalokaaa....bakit nga ba ganyan?
NAKAKATAWA
Ahaha….Kalokaaa….Kakatawa kapag
nasa mall ka, tapos lalapitan ka at hahawakan, kasi akala ikaw yung kasama nya…waahh…Eh
di syempre funny talaga kapag nagkamali ka dahil akala mo kilala mo yun pala
hindi naman…Nakakatawa lalo kapag tawa ka ng tawa at nakikitawa kahit di mo
alam kung bakit sila tumatawa…nyahaha…Isa pang nakakatawa ay kapag baliktad ang
suot mong damit….wahaha…nakapag malling ka na at lahat at
nakapagsimba…hehe…Kakatawa din kapag pipi ang kausap mo tapos di kayo
magkaintindihan so wala ka naman choice kung hindi mag sign language pero dahil
di ka alam…mali pa rin ang intindi ng kausap mo…so tatawa ka nalang ng tatawa.
Nyahaha….
NAKAKAIYAK
Huhuhu…Syempre pag may pumanaw na
mahal mo sa buhay…alangan naman pong tatawa ka….Tapos, kapag nawalan ka ng
malaking halaga ng pera….waaahhhh….nasaan na yung wallet ko? Bakit nyo
tinangay? Nakakaiyak din kapag yung movie na pinapanood mo ay tungkol sa confrontation ng mag ina o mag
ama na heavy drama ang dating…tipong yung me sumbatan at yakapan in the
end. Kakaiyak din kapag nalulungkot ka dahil
miss mo mga anak at asawa mo na nasa malayo.
At lalong nakakaiyak kapag ikaw ay sinaktan sa puso kagaya ng,
waahhh…nalaman mong may iba na palang kinakasama ang asawa mo…or may anak na pala
sya sa iba….waaahhhhhh….huhuhu…
No comments:
Post a Comment