Tuesday, March 8, 2011

Bakit Nga Ba?




Bakit nga ba buhay ay ganito?
Hiwa hiwalay ang pamilya ko?
Tuloy ako paroon at parito,
Kaya puso at isapan ko'y naging lito.

Bakit nga ba ganyan ang buhay?
Pag pamilya ay di kasama tila walang saysay.
Sadyang kay hirap nga ang maglakbay
Dito sa ating pinagpalang buhay.

Bakit nga ba ako ay walang magawa,
Sa kalagayan ng aking pamilya?
Lungkot at pangugulila dapat kong maunawa
Para sa aking mga anak at asawa.

Bakit nga ba tayo ay di magkakasama?
Upang mga biyaya ng ating Ama ay pagsaluhan sana...
Kaya dalangin ko sa gabi at umaga,
Na sana darating ang araw na tayo ay magkasama sama.

Sa aking pag uwi puso ko ay malumbay...
Kahit baon ko ang pagmamahal n'yo sa  paglakbay.
Alam kong ako ay mangugulila pa rin pagdating sa ating bahay,
Tanong sa sarili ko ay..." Bakit Nga Ba Ganito ang Buhay?"

No comments: